dzme1530.ph

Mga turista, pinayuhan ng DFA na ipagpaliban muna ang pag-bisita sa Israel

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong turista na nakatakdang bumisita sa Israel, na ipagpaliban muna ang kanilang biyahe.

Ito ay sa harap ng nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militant group na Hamas.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, bagamat wala pang ipinatutupad na travel ban sa Israel ay naglabas ang embahada ng bansa ng travel advisory, na nagre-rekomenda ng pag-iwas sa pag-biyahe sa nasabing bansa.

Sinabi rin ni de Vega na hindi normal kung bibisita ang isang indibidwal sa isang bansang nasa gitna ng giyera.

Kaugnay dito, makabubuti umanong ipagpaliban muna ang pagpunta sa Israel hangga’t hindi pa natatapos ang gulo.

Mababatid na kabilang sa mga dinarayong atraksyon sa Israel ay ang Holy Land sa Jerusalem. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author