Pabor ang mga jeepney driver sa Makati at Quezon City na alisin na ang Periodic Medical Examination.
Ang Periodic Medical Exam ay ang pagpapasa ng medical tuwing tatlong taon sa 5-year driver’s license validity habang apat at pitong taon naman para sa may 10 years na driver’s license.
Ayon sa mga tsuper ng jeep, maganda ang ginawa ng LTO, dahil para sa kanila, gastos at abala lamang ito lalo na sa mga arawan kung magtrabaho.
Dagdag pa nila na dapat ang i-medical at i-drug test na lang ay yung mga driver na maraming record ng aksidente.
Matatandaang sinabi ni LTO Chief Jay Art Tugade na inalis ang Periodic Medical Examination dahil hindi napatunayan na nababawasan nito ang aksidente sa kalsada. —sa panulat ni Jam Tarrayo