Kinailangang tahiin ang mga sugat ng tatlong sundalong nasaktan matapos bombahin ng tubig ng China Coast Guard ang isang resupply ship sa Ayungin Shoal noong Sabado.
Isa sa mga sundalo ang tumanggap ng 13 stitches sa ilalim ng kaliwang mata habang ang isa pa ay pitong stitches matapos tumama ang ulo nito sa pader bunsod ng matinding pressure ng pambobomba ng tubig sa Unaiza May 4 na gawa sa kahoy.
Sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na kung wala ang isang bahagi ng dingding sa barko ay tumilapon sa dagat ang isang sundalo.
Idinagdag naman ng navy personnel na wala na silang nagawa nang bombahin sila ng tubig at nagkanya-kanya na lamang sila ng tago.