dzme1530.ph

Mga tauhan ng BuCor hindi handang magsuot ng uniporme

Bukod sa problema sa congestion dahil sa kakulangan ng mga pasilidad para sa mga person deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP).

Aminado din si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na hindi handa ang kanyang mga tauhan na i-restructure ang bureau mula civilian to uniformed.

Ito ang pahayag ni Catapang kasunod ng pagharap nito sa mga miyembro ng Committee on Public Order and Safety sa Kongreso.

Ayon kay Catapang na-convert sila sa uniformed personnel nang walang training, para magsuot ng uniporme.

Paliwanag ni Catapang kapag sinabing magsuot ng uniporme, dapat disiplinado sila, sumunod sa utos at hindi sila dapat gumawa ng katiwalian.

Sinabi ni Catapang na maaari niyang tanggalin ang isang sundalo gamit ang mga artikulo ng digmaan at kung ang isang sundalo ay nakagawa ng isang paglabag, madali siyang matanggal sa serbisyo.

Pero hindi ito puwedeng gawin sa BuCor dahil may mga proseso na kailangan mong sundin tulad ng rules and regulations ng Civil Service Commission at ng Department of Justice.

Giit pa ni Catapang hindi mo sila basta-basta ma-terminate kaagad kahit na gumawa pa sila ng katiwalian.

Isa ito sa mga problemang nadatnan ni Catapang sa BuCor kaya’t tuloy tuloy anya ang kanilang pag-recruit ng mga young blood kung saan mahigpit itong isinsailalim sa pagsasanay. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author