dzme1530.ph

Mga taong nagpahintulot sa 36 Chinese nationals na maging kasapi ng PCG, pananagutin

Gustong papanagutin ni TINGOG Rep. Jude Acidre ang nasa likod ng recruitment sa 36 na Chinese nationals bilang kasapi ng Philippine Coast Guard Auxiliary Forces.

Ayon sa deputy majority leader, hindi ito maituturing na “honest mistake” dahil mistulang itinago ang pagkuha sa kanila sa harap ng katotohanan na banta ito sa pambansang seguridad.

Bagaman at inamin ng PCG na de-listed na ang 36 na intsik, determinado pa rin itong alamin kung sino ang nagpahintulot nito.

Ayon pa kay Acidre, mistulang “double whammy” ito sa pamahalaan dahil binabantayan ng Coast Guard ang West Philippine Sea, subalit may mga volunteer members ito o Auxiliary na Tsino at nakasuot pa ng uniporme ng PCG.

Dahil dito hinimok na rin ng kongresista ang iba pang ahensya ng pamahalaan na may auxiliary forces na higpitan ang betting at recruitment sa ngalan ng national security.

About The Author