Nagbabala at pinag-iingat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga taga Panay Island, Catanduanes.
Ito’y matapos ang isinagawang rocket launch ng China sa pagitan ng 9AM hanggang 10AM sa bahagi ng Panay Island at Philippine Rise ayon sa NDRRMC.
Dahil dito, inalerto na ang mga Regional Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bicol Region upang bantayan ang anumang debris na babagsak mula sa kalangitan.
Habang inatasan naman ang Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Environment and Natural Resources – National Mapping and Resource Information Authority (DENR-NAMRIA) na magpatupad ng kaukulang hakbang para sa kaligtasan ng mga papalaot sa Eastern Seaboard ng Luzon.
Samantala, pina-alalahan naman ng Philippine Space Agency ang lahat na huwag lapitan o hawakan ang makikitang debris na posibleng mula sa rocket ng China, dahil maaring nagtataglay ito ng kemikal na nakakasama sa kalusugan. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News