Umapela ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA), sa Ombudsman na huwag muna silang suspindehin.
Nabatid na nahaharap sa mga kasong grave misconduct, gross neglect of duty, at committing conduct prejudicial to the best interest of the service ang isandaan at tatlumpung NFA officials.
Ayon kay NFA Administrator Roderico Bioco, iginigiit ng isang suspendidong opisyal sa congressional inquiry na ang pagbebenta ng NFA rice sa dalawang pribadong sektor ay legal.
Sinabi naman ni Ombudsman Samuel Martires na nag-leave na sa trabaho ang suspended NFA employees, habang sinuspinde rin ang bagong hirang na Officer-in-Charge na si Piolito Santos at ang Department Manager for Operation and Coordination na si Jonathan Yazon.
Nabatid na ibinibenta umano ang kada kilo ng milled rice sa halagang P25 kada kilo ng walang bidding.