dzme1530.ph

Mga sundalo, opisyal ng pamahalaan, pumarada sa Quirino Grandstand sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

Pumarada ang libu-libong security forces, kawani ng pamahalaan, at mga bahagi ng sektor panlipunan sa Quirino Grandstand sa Maynila, bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang grand parade na nagsimula pasado alas-9:00 ng umaga.

Nag-martsa ang mga sundalo mula sa iba’t ibang sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kabilang ang Philippine Army, Philippine Navy, at Philippine Air Force.

Ipinarada rin ang mga tangke, sea vessels, at iba pang military assets ng bansa.

Bukod dito, nag-martsa rin ang mga miyembro ng iba pang law enforcement agencies tulad ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation, at Bureau of Fire Protection.

Kasama rin ang mga empleyado mula sa lahat ng iba pang kagarawan at ahensya ng pamahalaaan.

Pumarada rin ang mga kawani ng mga lokal na pamahalaaan sa National Capital Region, gayundin ang mga miyembro ng iba’t ibang grupo at sektor sa lipunan. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author