dzme1530.ph

Mga sintomas ng hyperthyroidism, alamin!

Ang hyperthyroidism ay isang kondisyon kung saan sobra ang inilalabas na hormone na tinatawag na thyroxine ng thyroid gland.

Ang thyroid gland na hugis paru-paro sa bahagi ng leeg ay responsable sa paglikha ng mga hormones na kailangan para sa brain activities, metabolismo ng katawan, pagregulate sa tibok ng puso at maging sa temperatura ng ating katawan.

Kabilang sa mga senyales at sintomas ng hyperthyroidism ay ang biglaang pagbaba ng timbang, mabilis na tibok ng puso, labis na pagkabalisa, pamamawis, paglalagas ng buhok, insomia, at goiter o paglaki ng thyroid glands.

Ang mga taong may histroy ng thyroid disease ay may mataas na tyansa na magkaroon ng kondisyon na ito, na kung mapapabayaan ay maaaring magresulta sa komplikasyon gaya ng sakit sa puso, mental health disorders, birth defects, problema sa paningin at iba pa.

Sakali namang makaranas ng mga nasabing sintomas, agad na magpakonsulta sa doktor at kung ma-diagnose ng kondisyon na ito ay dapat na ugaliing kumain ng mga cruciferous foods gaya ng brocoli, kale, at cauliflower na mainam upang mapababa ang produksyon ng thyroid hormones. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author