dzme1530.ph

Mga senador, umaasang sunod na ring maaaresto si dismissed Mayor Alice Guo

Posibleng maging daan upang sunod na ring maaresto si dimissed Mayor Alice Guo sa pagkakadakip sa kapatid nitong si Sheila Guo at ang kasama nitong si Cassandra Li Ong ng Lucky South 99 sa Indonesia.

Ito ang iginiit nina Senate President Francis Escudero at Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada.

Ayon kay Escudero, sa gitna ng malaking kahihiyan na idinulot sa Bureau of Immigration sa pagtakas nina Alice Guo, umaaasa siya na magiging mas proactive ang ahensiya para makabawi at maituwid ang kanilang pagkakamali o misfeasance at malfeasance na nagresulta para makatakas ang may indibidwal na mayroon nang warrant of arrest.

Kasabay nito, sinabi ni Estrada na sa lalong madaling panahon ay maaresto na din ang nadisimiss na alkalde para harapin nito ang mga kaso laban sa kanya at sagutin ang maraming isyu sa imbestigasyon ng senado.

Sinabi pa ni Estrada na ang pagkakaaresto kina Sheila at Cassandra ay patunay na nakakalabas ng bansa ang mga inisyuhan ng warrant of arrest ng Senado at Kamara. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author