dzme1530.ph

Mga senador na pabor at tutol sa Divorce bill, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng mga senador na nagpahayag ng pagpabor at pagtutol sa panukalang Divorce na inaprubahan ng Kamara.

Sa pinakahuling datos, umakyat na sa pito ang kontra sa panukala na kinabibilangan nina Senate President Francis Chiz Escudero at Senators Francis Tolentino, Joel Villanueva, Bato dela Rosa, Jinggoy Estrada, Migz Zubiri at Koko Pimentel.

Umakyat naman sa anim ang pabor na kinabibilangan nina Senators Robin Padilla, Grace Poe, Risa Hontiveros, Imee Marcos, Pia Cayetano at Raffy Tulfo.

Sinabi naman ni Sen. Sonny Angara na pag-aaralan pa niya ang panukala dahil ang nais niya ay batas na magbibigay proteksyon sa marriage institution subalit dapat ding maging patas para sa mahihirap na mag-asawa.

Iginiit din ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na pag-aaralan pa nyang mabuti ang panukala dahil mahirap nang magkamali.

Una na ring sinabi ni Sen. JV Ejercito na wala pa siyang desisyon dahil bilang Katoliko mahirap ang isyu ng diborsyo subalit dapat ding ikunsidera ang maraming mag-asawa na natrap sa relasyong wala nang pagmamahalan.

About The Author