dzme1530.ph

Mga senador, hinimok na i-adopt ang inaprubahang ₱200 legislated wage hike bill ng Kamara

Loading

Hinimok ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri ang mga kasamahan sa Senado na i-adopt na lamang ang inaprubahang ₱200 legislated wage hike bill ng Kamara upang maihabol na maipasa ito bago matapos ang 19th Congress.

Sinabi ni Zubiri, author ng proposed ₱100 legislated wage hike bill sa Senado, na malinaw na kailangan ng mga manggagawa ang dagdag na sahod sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Malaking bagay aniya ito para sa araw-araw na pamumuhay ng mga manggagawa.

Kaya naman kung idaraan pa aniya sa bicam meeting ang mga panukala ay mas makabubuting gawin na agad ito.

Tatlong araw na sesyon na lamang ang nalalabi sa Kongreso upang ipasa ang panukala bago matapos ang 19th Congress kung hindi ay back to zero ang proposed legislated wage hike bill.

About The Author