dzme1530.ph

Mga senador, hati sa isyu ng Mandatory ROTC

Muling nagpahayag ng pagtutol si Sen. Risa Hontiveros sa pagsusulong ng mandatory Reserve Officer Training Course (ROTC) sa kolehiyo sa gitna ng isyu sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Hontiveros na ang mas dapat pagtuunan ng pansin ngayon ng Senado ay ang suporta para sa pagpapalakas sa Philippine Navy at ang modernisasyon ng Sandatahang Lakas.

Iginiit ng senadora na hindi dapat gawing excuse ang mainit na tensyon sa West Philippine Sea para lamang gawing mandatory ang ROTC sa kabataan dahil may iba pa anyang paraan.

Samantala, nasa plenaryo na ang panukala at nakatakda na itong pa-debatehan sa Senado.

About The Author