Tiniyak ng mga senador na handa silang talakayin ngayong araw ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, dalawang beses niyang binasa ang 97-pahinang desisyon ng Korte Suprema at nanindigan na malinaw na unconstitutional ang reklamo.
Giit ni Dela Rosa, hindi na kailangan ng mahabang debate dahil tila “case closed” na ang usapin.
Samantala, ayon kay Sen. Erwin Tulfo, inaasahan niyang tatalakayin kung hihintayin pa ang ruling ng Korte Suprema sa motion for reconsideration ng Kamara.
Kinumpirma naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na ang impeachment case lamang ang nasa agenda ngayong araw.