dzme1530.ph

Mga sasakyang may plakang “7” at “8” na lumabag sa EDSA Busway rule, tumakas

Naharang ng mga otoridad ang mga sasakyang may protocol license plates na “7” at “8” na gumamit ng EDSA Busway, subalit tumakas ang mga violator pagkatapos silang mahuli.

Isang sports utility vehicle ang nahuli sa bahagi ng Mandaluyong City subalit pagkatapos iabot ng driver ang kanyang lisensya sa Traffic Enforcer ay agad nitong pinasibad ang sasakyan.

Hawak na ng Department of Transportation ang lisensya ng driver at sinusuri na rin ang legitimacy ng plaka na inisyu sa hindi tinukoy na Senador.

Samantala, isa pang SUV na may plakang “8” na karaniwang ginagamit ng mga Kongresista ang gumawa rin ng kahalintulad na pagtakas matapos mahuli malapit sa EDSA Tramo sa Pasay City.

Hindi nai-record ng mga otoridad ang conduction sticker ng sasakyan subalit mayroon namang CCTV camera na magkukumpirma sa plaka at conduction sticker upang matukoy ang may-ari o driver para mapatawan ng kaukulang parusa.

 

 

About The Author