Pinatitiyak ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na mapaparusahan hindi lamang ang mga opisyal ng gobyerno kundi pati na rin ang mga tiwaling contractor na mapatutunayang sangkot sa mga iregularidad sa mga flood control projects.
Ipinaliwanag ni Lacson na karaniwan umanong nagpapalamig lang ang mga tiwaling contractor kapag napag-iinitan, at bumabalik sa dating gawi kapag nakita nilang walang napaparusahan.
Ayon sa senador, ang pinakaepektibong mekanismo para masugpo ang katiwalian ay ang paniniguro na may mapapanagot at mahahatulan, dahil kung wala, paulit-ulit lamang na mangyayari ang mga iregularidad.
Matatandaang isiniwalat ni Lacson na halos P2 trilyon ang nailaan sa mga flood control project mula 2011, ngunit nananatili pa rin ang problema sa pagbaha dahil halos kalahati ng pondo ay nauuwi umano sa katiwalian.
Sa kanyang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang audit ng flood control program, isapubliko ang listahan ng palpak at ‘ghost’ projects, at kasuhan ang mga responsable.