Mahigit 1,400 residente ng Barobo, Surigao del Sur ang bumoto pabor sa paglikha ng bagong barangay sa naturang munisipalidad.
Ayon sa COMELEC, mula sa 2,574 voters sa Barobo, kabuuang 1,434 o 55.71% ng mga residente ang bumoto ng “Yes” upang maratipikahan ang paglikha ng Barangay Guinhalinan, sa plebisitong isinagawa noong Sabado, alinsunod sa Republic Act 11986.
14 lamang o 0.54% naman ang bumoto ng “No.”
Umabot lamang sa 1,459 na mga residente ang bumoto sa plebisito para sa voter turnout na 56.68%.