dzme1530.ph

Mga residente ng Sitio Kapihan, Socorro, Surigao del Norte, hinimok makipagtulungan sa gobyerno

Umaasa si Sen. Risa Hontiveros na makipagtulungan ang mga residente ng Sitio Kapihan sa Socorro sa Surigao del Norte sa gagawing relokasyon sa kanila makaraang kanselahin na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang land use agreement sa Socorro Bayanihan Services Inc (SBSI).

Ipinaalala ni Hontiveros na ang kanselasyon ng kasunduan sa SBSI ay isa sa kaniyang naging rekomaendasyon kasundo ng pagdinig sa isyu sa SBSI.

Subalit pinatitiyak ng senador na magkaroon ng maayos na reintegration at rehabilitation plan para sa komunidad.

Hangad ng senador na makapamuhay na ng ligtas malaya, mapayapa, may dangal at dignidad ang mga residente ng naturang sitio.

Dapat aniyang magtulungan ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, kasama ang lokal na pamahalaan ng Socorro at Surigao del Norte, para mapangalagaan ang kapakanan ng mamamayan.

Binigyang-diin ni Hontiveros na mga biktima din ang mga ito ng kahirapan na napilitang kumapit sa mga pangako’t panloloko ni Senyor Aguila.

About The Author