dzme1530.ph

Mga pulis na rumesponde sa Baliwag hostage, pinapurihan ng PNP; dumating sa loob ng 5 minuto

Loading

Nailigtas ang isang binatilyong biktima ng hostage sa Baliwag, Bulacan, kahapon, matapos ang mabilis na aksyon ng pulisya.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), bandang 1:35 a.m. umatake ang armadong suspek sa dalawa katao bago i-hostage ang binatilyo.

Nai-report ang insidente sa Baliwag City Police Station sa pamamagitan ng E911 alas-1:40, at dumating ang mga pulis alas-1:43, pasok sa limang minutong response time.

Sinubukan munang makipagnegosasyon bago ma-disarmahan ang suspek at mailigtas ang biktima. Nasa kustodiya na ito ng pulisya at nahaharap sa kasong attempted homicide at serious illegal detention sa ilalim ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Pinuri ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III ang katapangan at propesyonalismo ng Baliwag City Police.

Samantala, hinikayat din ng PNP chief ang publiko na iwasan ang prank calls upang matugunan ang mga totoong emergency.

About The Author