Bubusisiin ng Philippine National Police (PNP) kung sino sa kanilang mga tauhan ang may kamag-anak na tatakbo sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ito ang magiging basehan para ilipat o re-assign mga pulis na ito bago mag-eleksyon.
Paliwanag ni Acorda, ito ay para masiguro na hindi magkakaroon ng vested interest o “partisan politics” ang mga tauhan ng PNP.
Inaasahan naman agad nilang makukumpleto ang listahan ng mga pulis na may kamag-anak na kakandidato para mailipat ang mga ito bago umiral ang election ban. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News