dzme1530.ph

Mga pulis na idinawit sa mga nawawalang sabungero, tukoy na ng NAPOLCOM

Loading

Mayroon nang listahan ang National Police Commission (NAPOLCOM), ng mga pulis na iniuugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ipatatawag ang mga pulis para humarap sa administrative investigation, matapos ibunyag ni Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy, ang kaugnayan ng mga ito sa pagkawala ng mga sabungero.

Sinabi ni NAPOLCOM Vice Chairperson, Atty. Rafael Calinisan, na hindi sila bulag at alam nila kung saan patungo ang imbestigasyon.

Idinagdag ni Calinisan na bagaman batid niya ang pagkakakilanlan ng mga isinasangkot na pulis ay hindi niya ito maaaring isapubliko, sa ngayon.

About The Author