Hinikayat ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mga pulis na maki-halubilo at maging bahagi ng komunidad na kanilang pinagsisilbihan.
Sa 2024 joint national and regional peace and order council meeting sa Malacañang, inihayag ng pangulo na ang pagiging bahagi ng komunidad ang magbibigay-daan upang makamtan ng mga pulis ang kredibilidad at tiwala ng mamamayan.
Kaugnay dito, hinimok silang kilalanin ang kanilang mga nasasakupan at unawain ang mga pangyayari.
Sinabi pa ni Marcos na sa kabila ng pagkakaroon ng high-tech na mga kagamitan sa paglaban sa krimen tulad ng iligal na droga, dapat pa ring maramdaman ng publiko ang kanilang presensya on the ground.