dzme1530.ph

Mga proyekto para sa pagpapaunlad ng Mindanao, inilatag ng Pangulo

Inilatag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mga proyekto at programa para sa pagpapaunlad ng Mindanao.

Sa kaniyang talumpati sa pamamahagi ng Presidential Assistance sa Iligan City, inihayag ng pangulo na sa pangunguna ng NEDA, isusulong ang Northern Mindanao Regional Development Plan 2023-2028.

Sa ilalim nito, itataguyod ang rehiyon bilang international gateway, leading agricultural hub, at major industrial, tourism, at trade center.

Bukod dito, prayoridad din umano ang P8-billion Panguil Bay bridge na magkokonekta sa Tangub, Misamis Occidental at Tubod, Lanao del Norte.

Nailabas na rin ang halos dalawang bilyong piso para sa Iligan City coastal bypass road, habang ibinida rin ang expansion, rehabilitation, at development ng mga paliparan sa Ozamiz, Camiguin, Lumbia, Bukidnon, at Laguindingan.

Kasama rin ang mga programa para sa irigasyon at sa micro, small, and medium enterprises.

Layunin umano ng mga programa na mapabilis ang galaw ng ekonomiya at oportunidad para sa Region 10.

About The Author