Pabibilisin pa ng gobyerno ang implementasyon ng mga programa at proyekto ngayong taon, upang makamit ang target na 6% hanggang 7% na paglago ng ekonomiya sa buong 2023.
Ito ay matapos bumagal sa 4.3% ang GDP growth sa 2nd quarter ng taon, mula sa 6.4% noong 1st quarter.
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), upang makamit ang target growth ay kailangang maitaas sa 6.6% ang paglago ng ekonomiya sa 2nd half ng taon.
Kaugnay dito, tinatalakay na ng Economic Development Group kung papaano mapabibilis ang mga proyekto at programa.
Hinihikayat din ang lahat ng ahensya kabilang ang local at regional entities na bumuo ng catch-up plans.
Aalamin din ang mga sektor na maaapektuhan ng global economic slowdown. –sa ulat in Harley Valbuena, DZME News