Mga programa para tugunan ang mental health issues ng kabataan, patuloy na isusulong sa Senado

dzme1530.ph

Mga programa para tugunan ang mental health issues ng kabataan, patuloy na isusulong sa Senado

Loading

Nangako si Sen. Christopher “Bong” Go na patuloy na isusulong ang mga panukala at programa para tugunan ang mental health issues sa kabataan at mga estudyante.

Iginiit ni Go ang agarang pagsasabatas ng panukala na palakasin ang campus-based mental health programs sa buong bansa sa gitna ng dumaraming isyu ng depresyon at kaso ng suicide sa mga estudyante at young professionals.

Kinumpirma ng senador ang plano niyang muling ihain sa 20th Congress ang panukala na magmamandato ng pagtatayo ng Mental Health Offices na naglalayong bigyan ng access ang mga estudyante, faculty at staff sa professional psychological support, counseling services, mental health education, at intervention programs.

Ang mga tanggapang ito ang mangangasiwa sa kampanya at promosyon para sa mga programa sa mental health.

Sinabi ni Go na hindi lamang dapat tutukan ng mga paaralan ang paglinang sa kaalaman ng mga estudyante kundi dapat protektahan din ang kanilang mental, physical, at emotional well-being.

Kailangan anya ng sistema kung saan mabibigyan ng tulong ang mga estudyante lalo na ang mga nakakaranas ng paghihirap.

About The Author