Iginiit ni Sen. Grace Poe na bago magpataw ng multa ang mga operator ng expressways sa mga motorista na wala pang RFID at walang sapat na balanse.
Ito ay kasunod ng pahayag ng mga opisyal ng Toll Regulatory Board (TRB) na pagmumultahin na ang mga walang RFID Stickers at kulang ang Load pagsapit ng August 31.
Sinabi ni Poe na hanggang ngayon ay napakaraming reklamo ang mga motorista.
Personal din aniya niyang nararanasan ang mga problema katulad ng hindi nababasang RFID sticker.
Tanong pa ng senadora sa TRB kung ano ang nangyari sa pangakong interoperability ng Easy Trip at Autosweep services noong July.
Hinamon ng mambabatas ang TRB at mga toll operators na patunayan muna na reliable, efficient at may interoperability ang Toll System sa bansa bago magpataw ng anumang multa.
Batay sa Joint Memorandum Circular, ang mga walang RFID Stickers ay papatawan ng ₱1,000 multa para sa initial offense, ₱2,000 para sa second offense at ₱5,000 para sa mga susunod na paglabag.
Para naman sa mga insufficient o kulang ang RFID load pagmumultahin ng ₱500 para sa first offense, ₱1,000 para sa second offense at ₱2,500 para sa mga susunod na paglabag. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News