Nangako si Senate President Francis “Chiz” Escudero na magsasagawa ng proactive na hakbang para solusyunan ang problema sa parking at iba pang isyung kinakaharap ng mga kawani ng Senado, at mga bisita habang nakabinbin ang paglipat sa New Senate Building sa Taguig City.
Binigyang-diin ni Escudero ang kahalagahan ng pagtitiyak ng sapat na parking facility na matagal nang problema sa lokasyon ng Senado sa GSIS building sa Pasay City.
Idinetalye ni SP Escudero ang ginagawang habang para maisaayos ang parking spaces sa GSIS building, na magsisilbi bilang isang modelo sa hinaharap ng plano sa New Senate Building.
Nakipag-ugnayan na anya sila Department of Public Works and Highways at Social Security System upang magamit ang kanilang mga lote sa tapat at likod na bahagi ng Senate building para sa dagdag na parking spaces.
Sinabi ni Escudero na mahalaga ang kaayusan sa lugar na pinagta-trabahuan upang matiyak na maayos na serbisyo rin ang maibibigay ng mga kawani.