dzme1530.ph

Mga probisyon ng 2025 budget na itinuturing na most corrupt, hindi maaaring muling pairalin sa 2026

Loading

Hindi dapat payagang maging reenacted ang budget para sa susunod na taon.

Ito ang binigyang-diin ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kasunod ng pangamba ng ilan na kapusin sa oras ang Senado at Kamara sa pag-apruba sa panukalang pambansang pondo.

Sinabi ni Sotto na hindi maaaring maging reenacted ang budget o paiiralin muli ang 2025 national budget.

Iginiit ng Senate leader na itinuturing na most corrupt budget ang 2025 national budget kaya’t hindi maaaring muling ipatupad.

Kaya naman, binigyang-diin ni Sotto na hindi na nila papayagang madelay pa ng husto ang pagtalakay nila sa panukalang pondo kahit nagpapatuloy pa ang pagsasaayos sa Senado, partikular sa session hall na naapektuhan ng sunog nitong araw ng Linggo.

Sinabi ni Sotto na kung hindi matatapos ang pagkumpuni sa session hall para sa kanilang sesyon mamayang ala-1 ng hapon, gagamit sila ng ibang committee rooms para sa kanilang sesyon kung saan sisimulan na ang period of amendments sa panukalang pondo.

About The Author