dzme1530.ph

Mga pribadong sasakyan na gumagamit ng EDSA Busway, nabawasan

Nabawasan ang mga pribadong sasakyan na gumagamit ng EDSA busway kasunod ng paghuli sa mga violator, ayon sa Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT).

Ayon kay I-ACT Chief Charlie Del Rosario, nasa isandaang motorista kada araw ang average na nahuli ng kanilang enforcers nitong mga nakalipas na araw, kumpara sa nasa 400 per day nang magsimula ang crackdown.

Sinabi ni Del Rosario na bukod sa multa na hanggang isanlibong piso, ay mapu-puntusan din ang violators sa system ng Land Transportation Office (LTO), kung saan hindi na sila papayagang makapag-renew ng 10-year driver’s license, at kapag umabot na sila sa 40 points ay masususpinde na ang kanilang lisensya.

Bukod sa 550 public utility buses na otorisadong dumaan sa EDSA busway, binigyang diin ng I-ACT na tanging government emergency vehicles lamang ang pinapayagang gumamit ng naturang lane. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author