Inihayag ng Dep’t of Transportation na ang mga pribadong motorista ang nangungunang pasaway sa EDSA Busway.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni DOTr Command and Control Operation Center chief Charlie del Rosario na karamihan sa mga nahuhuli sa EDSA bus lane ay mga pribadong sasakyan.
Sa kabila nito, sinabi ni del Rosario na bumababa na araw-araw ang bilang ng mga nahuhuli sa EDSA busway.
Ipina-alala ng Transport official na tanging ang mga pampasaherong bus na may special permit ang pinapayagang dumaan sa EDSA Bus Carousel.
Pinahihintulutan din ang sasakyan ng Presidente, Bise Presidente, House Speaker, Senate President, Supreme Court Chief Justice, at mga sasakyang may katungkulan o ginagawa sa loob ng EDSA busway.