Bumabalangkas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga bagong panuntunan para ipagbawal ang partisipasyon ng mga politiko sa cash aid payouts.
Layunin nitong mailayo ang social protection programs mula sa impluwensya ng mga pulitiko.
Ayon kay DSWD Usec. for Policy and Planning Group Atty. Adonis Sulit, kasalukuyang inaamyendahan ang guidelines sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), kung saan bawal nang may politiko sa payout.
Batay sa draft rules, ipinagbabawal ang pagdalo ng mga political personality sa DSWD payout events, gayundin ang pamamahagi ng campaign o promotional materials.
Ang hakbang ay para maiwasan na magamit ang aid distribution sa partisan credit-claiming at maprotektahan ang integridad ng government assistance.