Mayorya ng mga Pilipino sa Lebanon ay walang balak umuwi sa Pilipinas kahit itinaas na ng Department of Foreign Affairs sa Alert Level 3 ang sitwasyon doon na ang ibig sabihin ay boluntaryo ang paglikas, bunsod ng umiinit na tensyon sa pagitan ng Israel at grupong Hezbollah.
Sa tala ng DFA, mula sa 17,000 Pinoy sa Lebanon, 113 pa lamang ang nagpalista na nais umuwi ng Pilipinas.
Dahil dito ay patuloy ang panghihikayat ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega sa mga Pilipino na lumikas, na siya rin aniyang panawagan ng ibang mga embahada sa kanilang mamayan.
—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News