dzme1530.ph

Mga Pinoy sa Italy pinag-iingat ng Embahada sa heat wave

Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Italy ang mga Pilipino na mag-ingat sa heat wave dahil sa labis na init ng panahon sa nasabing bansa.

Sa inilabas na abiso ng Italian Ministry of Health, ilang lungsod sa Italya ang nakataas sa red alert level kung saan pumapalo sa mahigit 40 degrees Celsius ang temperatura doon.

Ang nasabing temperatura ay maaring tumagal pa ng ilang araw.

Dahil sa nasabing kalagayan ay pinayuhan nila ang mga may edad ganun din ang mga buntis at mga bata na huwag magbabad sa labas at ugaliing uminom ng tubig.

Sa pagtaya naman ng Department of Foreign Affairs (DFA), mayroong halos 200,000 na mga overseas Filipino sa nasabing bansa. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author