dzme1530.ph

MGA PINOY SA ISRAEL, PINAG-IINGAT LABAN SA MISSILE BARRAGE MULA SA GRUPONG HEZBOLLAH

Loading

Naglabas ang Philippine Embassy sa Israel ng safety and security advisory kung saan pinayuhan ang mga Pilipino na maghanda at agad magtungo sa shelters, sa gitna ng impormasyon ng missile barrage mula sa grupong Hezbollah.

 

Nakasaad sa advisory na nakatanggap ang Israel Defense Forces (IDF) ng impormasyon na aatake ang Hezbollah sa mga susunod na oras.

 

Pinayuhan ng embahada ang mga Pinoy na manatiling malapit sa mamad o shelter at agad kumubli sa sandaling makatanggap ng emergency alert.

 

Sa maraming bahagi ng Israel, mayroong 90 seconds ang mga sibilyan para makapunta sa bomb shelters kasunod ng pagtunog ng sirena.

 

Pinayuhan din ng embassy ang mga Pinoy na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang matatandang pasyente o wards sa shelters.

About The Author