Kinumpima ng Philippine Embassy sa Israel na walang Pilipinong nasawi kasunod ng missile at drone attacks noong April 14.
Ayon sa Embahada, ang mga Pilipino ay ligtas, patuloy na pinoprotektahan sa kanilang pang-araw-araw na gawain, at tiwala ito sa kakayahan ng Israel na ipagtanggol ang bansa.
Ang Philippine Embassy ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa Filipino community, at nagbibigay-abiso, kabilang ang mga alituntunin sa seguridad na inilabas ng Home Front Command ng Israel, upang matiyak ang kaligtasan at kahandaan ng ating mga kababayan para sa mga emergency.
Isasagawa ng Embahada ang contingency plan nito na tutugon sa pagtulong sa mga apektadong Pilipino sakaling magkaroon ng pagbabago sa sitwasyon ng seguridad.