![]()
Naitala sa record low ang bilang ng mga Pilipino na nagsabing “very happy” ang kanilang love life, ayon sa Social Weather Stations (SWS).
Sa Nov. 24-30, 2025 survey sa 1,200 respondents, 46% ang nagsabi na “very happy” sila sa kanilang love life; 40% naman ang nagsabi na pwedeng mas maging masaya pa sila; habang 14% ang umamin na wala silang love life.
Sinabi ng SWS na ang latest percentage na 46% na masayang masaya sa love life ay kagaya rin noong nakaraang taon, at pinakamababa sa loob ng mahigit 20 years mula nang una itong mai-record noong 2004.
