Halos isang milyong Pilipino na ang nakinabang simula nang ilunsad noong Mayo ang pagbebenta ng bente pesos na kada kilo ng bigas sa mga bulnerableng sektor.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), as of July 14, kabuuang 2,105 metric tons ng subsidized rice sa ilalim ng “Benteng Bigas Meron (BBM) Na!” program ang naibenta sa 217,614 households.
Sa datos mula sa ahensya, available ang 20 pesos per kilo na bigas sa 162 mula sa 699 na Kadiwa ng Pangulo (KNP) centers at stores sa buong bansa.
Sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na target ng gobyerno na maging available ang bente pesos na bigas sa labinlimang milyong benepisyaryo.
Sa ngayon ay limitado lamang ang benteng bigas sa senior citizens, persons with disabilities, solo parents, 4Ps at Walang Gutom beneficiaries, at minimum wage earners.