dzme1530.ph

MGA PINOY NA NAGTA-TRABAHO SA US BASES SA MIDDLE EAST, PROTEKTADO NG AMERICAN MILITARY, AYON SA PH ENVOY

Loading

Tiwala si Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na protektado ng US military ang mga Pilipino at iba pang civilian personnel sa US bases sa Middle East.

 

Sa ngayon ay wala pang eksaktong bilang ng mga Pinoy at iba pang Asian nationalities na nagta-trabaho sa American bases sa Middle East.

 

Batay sa ulat, anim na ang US service personnel na nasawi sa retaliatory attacks ng Iran nitong weekend sa Kuwait.

 

Ang nangyayaring kaguluhan at tumitinding pag-atake ng US at Israel laban sa Iran ay ang pangunahing alalahanin ng Pilipinas sa Middle East, kung  saan mahigit 2.4 million Filipinos ang naninirahan at nagta-trabaho.

 

Ayon kay Romualdez, una nang nagpahiwatig ang America na ang pag-atake sa Iran ay posibleng bunsod ng kawalan ng  tangible  results ng naging pag-uusap sa Switzerland.

 

Matatandaang nagpulong  ang US at Iranian officials ng dalawang beses noong Pebrero sa Geneva, dahil sa demand ng Washington sa Tehran na abandonahin ang  kanilang nuclear program.

About The Author