dzme1530.ph

Mga Pinoy na iligal na nananatili sa Malaysia, ire-repatriate ng gobyerno

Ire-repatriate ng gobyerno ang mga Pilipinong iligal na nananatili sa Malaysia.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., may mga Pinoy na naninirahan sa Malaysia dahil itinuturing nila ito bilang kanilang ancestral land.

Gayunman, iligal umano ito sa ilalim ng batas ng Malaysia.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na pinoproseso na ng embahada ng Pilipinas ang pagpapauwi sa mga nasabing Pinoy.

Ibinahagi rin ng chief executive na idudulog niya ang isyu sa Philippines-Malaysia Joint Commission meeting sa Oktubre.

Magiging depende naman umano sa sitwasyon kung mare-repatriate rin ang mga Pinoy na nasa death row. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author