dzme1530.ph

Mga Pinoy na iligal na nananatili sa Amerika, pinayuhang huwag nang hintaying ipa-deport sa harap ng pagbabalik ni Donald Trump sa White House

Pinayuhan ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babes” Romualdez ang mga Pilipino na iligal na nananatili sa Amerika, na huwag nang hintayin na ipa-deport sila, kasunod ng pagkapanalo ni President-elect Donald Trump.

Sa online forum sa pangunguna ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), binigyang diin ni Romualdez na nanalo si Trump dahil sa plataporma nitong ipade-deport ang lahat ng immigrants sa US.

Bagaman mas maliit ang bilang ng mga Pinoy na iligal na nananatili sa US na nasa 250,000 hanggang 300,000 kumpara sa ibang mga lahi, sinabi ni Romualdez na dapat pa rin silang boluntaryong umuwi sa Pilipinas o kaya ay simulan na nila ang pag-aayos ng kanilang mga dokumento.

Babala pa ni Romualdez, kapag pina-deport ang isang indibidwal ay 99% ang tsansa na hindi na ito makababalik sa Amerika. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author