dzme1530.ph

Mga Pinoy na gumanda ang kalidad ng pamumuhay sa nakalipas na taon, nadagdagan —SWS survey

Halos 4 sa bawat 10 Pilipino ang gumanda ang kalidad ng pamumuhay sa nakalipas na taon, pinakamataas simula nang tumama ang COVID-19 pandemic noong 2020, batay sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Sa resulta ng June 23 to July 1 survey, 39% ng respondents ang nagsabing gumanda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12-buwan.

Mas mataas ito ng siyam na puntos mula sa 30% na naitala sa kaparehong survey noong March 2024.

Mula naman sa 25% ay bumaba sa 23% ang nagsabing lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay, habang mula sa 38% ay umakyat sa 45% ang nagsabing walang nagbago sa kanilang pamumuhay. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

 

 

About The Author