![]()
Pinayuhan ng Philippine embassies sa Thailand at Cambodia ang mga Pilipino sa mga border areas ng dalawang bansa na umiwas muna sa mga lugar na apektado ng armadong sagupaan sa pagitan ng Cambodia at Thailand.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, may humigit-kumulang 10,000 hanggang 12,000 Pilipino sa Cambodia, habang 38,509 naman ang Pilipino sa Thailand.
Isa sa mga pinagmumulan ng political tension ng Cambodia at Thailand ang kanilang 800-kilometer land border, sa kabila ng pagiging miyembro ng dalawang bansa ng ASEAN.
Ayon kay Philippine Ambassador to Thailand Millicent Cruz-Paredes, hindi bababa sa 188 Pilipino ang nailikas kasunod ng panibagong sagupaan sa hangganan ng dalawang bansa.
Pinayuhan din ng mga embahada ang mga Pilipino na iwasan ang mga lugar na may military operations, camps, at pasilidad, at mahigpit na ipinagbabawal muna ang hindi kinakailangang pagbiyahe sa mga apektadong probinsya.
