dzme1530.ph

Mga Pilipino, nanguna sa online activity sa buong mundo

Loading

Mahigit 50% ng mga Pilipino ang bumibili online kada linggo, habang dalawang-katlo naman ang nagbabayad para sa digital content bawat buwan.

Batay sa Digital 2026 Report ng Meltwater at We Are Social, kabilang ang Pilipinas sa mga pinaka-digitally active na bansa sa mundo.

Sa pinakabagong global digital trends study, lumitaw na 83.8% ng mga Pilipino ay active internet users, dahilan para mapabilang ang bansa sa mga “most connected” sa Southeast Asia.

Pang-labindalawa rin ang Pilipinas sa buong mundo sa kabuuang bilang ng internet users, na may 98 milyong indibidwal na online.

Gumugugol din ang mga Pilipino ng 54 oras kada linggo sa paggamit ng digital media, ikalawa sa pinakamataas sa buong mundo, kasunod ng Kenya.

About The Author