Inimbitahan ni German Chancellor Olaf Scholz ang mga Pilipino na mag-trabaho sa Germany sa harap ng niluwagang immigration laws sa nasabing European country.
Matapos ang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., inihayag ni Scholz na nagpasa sila ng batas na magpapadali sa panuntunan sa pagpasok ng foreign workers sa kanilang bansa.
Aminado rin ang German leader na ang kasaganahan at paglago ng kanilang bansa ay naka-depende sa professional migrant workers.
Kaugnay dito, hinikayat ni Scholz ang mga pinoy na samantalahin ang mga oportunidad sa German labor market.
Mababatid na nagpatupad ng immigration law reforms ang Germany upang makahikayat ng mas maraming skilled foreign workers at maibsan ang labor shortage sa kanilang bansa.