Nakikiisa ang Malakanyang sa pagdiriwang ng Pride Month.
Sa social media post, hinikayat ng Presidential Communications Office ang lahat ng Pilipino na makibahagi sa selebrasyon at suportahan ang LGBTQIA+ Community.
Isinulong din nito ang pagtindig para sa pagtatatag ng bansang nagkakaisa anuman ang pagkakaiba-iba, kaakibat ng acceptance o pagtanggap.
Hinikayat din ang publiko na kilalanin ang tapang at passion ng mga miyembro ng LGBTQIA+ Community.
Ang pride month ay ginugunita sa buong mundo ngayong buwan ng Hunyo.