dzme1530.ph

Mga Pilipino, hinikayat na makiisa sa “Earth Hour”

Hinikayat ng Dep’t of Energy ang mga Pilipino na makiisa sa Earth Hour ngayong Sabado, Marso 23.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, hinimok ni DOE Energy Utilization Management Bureau Dir. Patrick Aquino ang publiko na patayin ang kanilang mga ilaw at iba pang appliances simula alas 8:30 hanggang alas 9:30 ng gabi.

Bukod dito, idaraos din ang isang programa sa Kartilya ng Katipunan sa Maynila,, habang makikibahagi rin ang local gov’t units at maging ang private malls at institutions sa iba’t ibang panig ng bansa.

Iginiit ni Aquino na ang bawat Pilipino ay may maitutulong sa pangangalaga ng kapaligiran.

Ang Earth Hour ngayong taon ay may temang “Switch-off plastic pollution, Switch-on nature”, at layunin nitong mahigitan ang 63 megawatts na natipid na kuryente sa earth hour noong nakaraang taon.

About The Author