dzme1530.ph

Mga Pilipino, dapat maging malaya rin sa mga problema tulad ng mababang sahod

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan, hinimok ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang lahat na ipaglaban ang pagtataas ng sweldo ng mga manggagawa upang magkaroon ng totoong living wage at dignidad sa bawat Pilipino.

Iginiit ni Pimentel na sa pamamagitan nito ay tunay na malalabanan ang mga pagsubok sa bansa na patuloy na nagkakait ng kalayaan sa marami.

Tinukoy ng senador ang mataas na inflation rate, kawalan ng trabaho, kahirapap, mga katiwalian at kriminalidad na tinawag niyang modern-day enemies na kailangan nating labanan.

Sinabi ni Pimentel na nakikiisa siya sa buong bansa sa pgadiriwang ng Independence Day na dapat magpaalala sa lahat na kailangan nating alagaan ang Republika at pahalagahan ang sakripisyo ng ating mga ninuno.

Dapat din anyang magkaisa ang lahat sa pangangalaga sa ating kalayaan para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

Umaasa ang senador na tuluyan nang makalalaya ang bansa sa mga pagsubok na ating kinakaharap at magkakaisa ang lahat para sa mas maunlad na bayan.

About The Author