dzme1530.ph

Mga pending anti-graft measures, dapat isama sa pagbalangkas ng bagong procurement law

Ipinasasama ni Senador Francis Tolentino sa ipinapanukalang procurement law ang mga nakapending na anti-graft measures.

Sinabi ni Tolentino na maraming nakahaing panukala ang dapat maging bahagi ng mga probisyon ng bagong Government Procurement Code.

Siya pa lamang anya ay mayroon ng anim na panukala na maaaring i-consolidate para sa bagong bersyon ng Republic Act No. 1984 o Procurement Act.

Kasama na rito ang Senate Bill No. 1802 na nag-aabolish sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM), gayundin ang Senate Bill No. 1803 na nagsasaad na dapat rehistrado sa Securities and Exchange Commission ang lahat ng joint ventures na papasukan ng gobyerno.

Inihain din ni Tolentino ang Senate Bill No. 618 para sa uniform warehousing at inventory system ng government procuring entities, at Senate Bill No. 619 na magmamandato sa lahat ng  government suppliers, contractors, at consultants na magsumite ng kailangang dokumento para patunayan ang kanilang financial capacity.

Ang mga panukala ay inihain matapos ang pagdinig sa anomalya sa procurement ng mga laptop para sa mga guro at procurement ng mga COVID-19 vaccines.

Aminado ang senador na dapat i-overhaul ang Procurement Act sa ilalim ng RA 1984 upang mas maging mahigpit ito at maiwasan ang anumang iregularidad. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author