![]()
Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero patungong lalawigan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong Martes Santo.
Sa tala as of today, 80.36 percent ng fully booked na ang mga byahe, habang 73.59 percent sa Northern routes; 36.36 percent sa Mindoro at 11.11 percent sa Visayas at Mindanao routes.
May ilang partner operators na rin ang PITX ang nagbawas ng byahe bunsod ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Hanggang kahapon ay umabot sa 1.6 million ang pasahero sa PITX at inaasahang aabot sa tatlong million sa pagtatapos ng holiday period.
