![]()
Nagsimula nang dumagsa sa mga pantalan, paliparan at bus terminals ngayong araw ang mga pasahero para sa kanilang Holy Week break.
Sa kabila ito ng nararanasang mataas na presyo ng produktong petrolyo kasabay ng mataas na gastusin sa pagbiyahe.
Sa Batangas Port, simula pa lamang kahapon, araw ng Linggo ay dagsa na ang pasahero patungong Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon at Aklan.
Sa Ninoy Aquino International Airport, mahaba na rin ang pila sa check-in at immigration counters.
Kaya ang payo ng Bureau of Immigration, mas agahan pa ang pagpunta sa paliparan at ihanda ang mga kinakailangang dokumento.
Haba sa mga bus terminal sa Cubao, Quezon City ay marami ring pasahero ang nahihirapan nang makakuha pa ng tickets para sa provincial trips.
Ito ay dahil marami sa mga biyahe partikular patungong Dae, Camarines Norte; Albay at Camarines Sur ang fully booked na hanggang unang mga araw ng Abril.
